Photo: The Happy Tummy Kitchen (Click for recipe) |
Ang ginisang munggo ang isa sa mga unang ulam na natutuhan
kong lutuin nung nasa elementarya pa lamang ako. Naalala ko pa nang masunog ko
ang bawang dahil nakialam ko sa kuya ko na nagluluto.
Ang ginisang munggo ang isa sa mga pinakasimpleng pagkain ng
pamilyang Pilipino. Bawat lugar sa bansa may kani-kanyang bersyon ng pagluluto
nito—hinahaluan ng amplaya, talong, malunggay, o talbos ng kamote at
sinasahugan ng hipon, hibe, baboy, baka, manok, tinapa, o chicharon. Maaari rin
itong igisa na may kamatis. Sa Laguna, natikman ko ang ginisang munggo na may
sotanghon! Ito rin ay madalas ipares sa pritong isda.