Sunday, October 06, 2013

Lolo, Karen, at Gina

Hindi ko na maalala kung kailan iyon, pero hindi ko pa nakakalimutan ang pangyayari.

Gabi na noon. Bata pa yata ako noon. Nasa bahay ako at nanonood ng TV. Umuwi si nanay galing sa malayo. Galing daw siya sa pinsan ko.

Nagpunta kami sa mesa. May iniabot siya. Nakabalit sa makinis na papel. Binuksan ko. Pasalubong niya raw sa akin. May inilibre raw kasi siya ng pinsan ko. Hindi naman daw niya kayang ubusin kaya hinati niya at iyon ang inuwi niya para sa akin.

Masarap. Napakasarap. Walang kasing sarap. Higit kaysa iba pang kagaya niyaon na natikman ko.

Kalahating regular hamburger galing sa nanay ko na inuwi niya para sa akin. Nakaka-relate ako kay Karen.

Maligayang 9 na taong anibersaryo ng pagba-blog!

2 comments:

Aidz said...

..para sa paboritong kong apo...edgy! happy anniv sir! =)

Edgy Dulds said...

adir: Salamat, Lolo Adir! :D